Marlon Stockinger |
Source : Dyan Castillejo ABS-CBN Sports
Ito ang starting line ng Grand Prix 3 series sa Barcelona, Spain. Kasali dito ang Fil-Swiss driver si Marlon Stockinger.
Agad umarangkada ang formula racers pero wala pang ilang segundo, nagulat ang lahat nang magkaroon ng banggaan.
Paikot-ikot ang isang asul na kotse, natanggal ang apat na gulong at nabaklas ng husto.
Agad sinaklolohan ang driver na si Marlon Stockinger.
Nagpasalamat ang lahat na kahit matindi ang aksidente ay walang nasaktan.
Kuwento ni Marlon sa interview kagabi sa pamamagitan ng Skype, nasa 5th gear siya nang mabangga niya ang isang kotseng nagkaaberya.
“It didn’t feel hard at all. I felt like okay but it was only when I looked over it and I saw the missing wheels,” sabi ni Marlon.
Ayon kay Marlon, dahil sa high tech na carbon fiber material ng kotse ay hindi niya naramdaman ang impact kahit tumatakbo man siya sa bilis na 150 kilometers per hour.
Akala pa niya, matatapos niya ang karera.
“Ito ang pinaka-worst talaga. Sobra ‘yong damage. It’s the first time that I didn’t bring back my car with all four wheels,” kuwento ni Marlon.
Pero hindi ito makakapigil sa kanya na habulin ang pangarap na makaabot sa F1 racing.
“Thank you to everyone for supporting me, for praying for me and for keeping me safe in the race,” sabi ni Marlon.
Balik-karera si Marlon sa Hunyo 24 sa Valencia, Spain.
http://www.abs-cbnnews.com/video/sports/05/23/11/marlon-stockinger-survives-spain-accident
No comments:
Post a Comment